Barangay Niugan, Isinagawa ang Clean-Up Drive para sa Pagpapanatili ng Malinis at Ligtas na Komunidad

Muling nagkaisa ang Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Niugan sa pagsasagawa ng kanilang Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 5, 2026.
Nakasentro ang aktibidad sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, mga canal, at mga communal area sa buong barangay upang tiyakin ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pag-iipon ng mga basurang pwedeng panggalingan ng mga peste at sakit.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng barangay para sa pagtataguyod ng responsableng pamamahala sa basura at pagpapanatili ng maaliwalas na kapaligiran para sa lahat ng residente.
Nagpaalala at nanawagan ang pamunuan ng Barangay Niugan sa buong komunidad na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura at patuloy na suportahan ang mga programang pangkalinisan sa barangay.











Comments