Barangay Marungko, Isinagawa ang Weekly Clean-Up Drive para sa Kalinisan ng Komunidad

Muling nagkaisa ang pamunuan at mga kawani ng Barangay Marungko sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 5, 2026.
Ipinagpatuloy ng barangay ang regular na paglilinis sa mga pampublikong lugar, gilid ng kalsada, at mga kanal upang tiyakin ang kaayusan ng kapaligiran at maiwasan ang pagdami ng mga pesteng nagdadala ng sakit.

Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na inisyatibong ito ng Sangguniang Barangay, layunin nitong maitaguyod ang disiplina sa pagtatapon ng basura at mapanatiling ligtas at maaliwalas ang buong pamayanan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Marungko sa lahat ng nakiisa at nanawagan sa mga residente na patuloy na suportahan ang mga programang pangkalinisan sa barangay.











Comments