top of page
bg tab.png

Barangay Marungko, Ipinagpatuloy ang Weekly Clean-Up Drive para sa Kalinisan at Kaligtasan ng Pamayanan

Sep 12
1 min read

Muling nagkaisa ang pamunuan at mga kawani ng Barangay Marungko sa pagsasagawa ng kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 12, 2026.


Nakasentro ang paglilinis sa mga pampublikong kalsada, mga canal, at iba pang communal areas sa buong barangay upang siguraduhing walang maiiwan na nakaimbak na basura na pwedeng panggalingan ng mga peste at sakit.


Ang patuloy na inisyatibong ito ng Sangguniang Barangay ay bahagi ng kanilang masigasig na kampanya sa pagtataguyod ng responsableng pamamahala sa basura at pagpapanatili ng malinis at maaliwalas na kapaligiran.


Pinasalamatan ng Pamahalaang Barangay ng Marungko ang lahat ng sumuporta sa aktibidad at muling pinaalalahan ang mga residente na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang mga bakuran.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page