top of page
bg tab.png

Barangay Donacion, Nagsagawa ng Clean-Up Drive

Sep 7
1 min read

Nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Donacion sa pambansang panawagan para sa kalinisan sa pamamagitan ng pagdaraos ng Clean-Up Drive para sa "Barangay Kalinisan Day" nitong Sabado, Setyembre 5, 2026.


Pinangunahan ng Sangguniang Barangay, kasama ang masisipag na kawani at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ang malawakang paglilinis sa mga pampublikong pasilidad, gilid ng kalsada, at mga kanal sa buong barangay.


Layunin ng aktibidad na maitaguyod ang responsableng pamamahala sa basura at maiwasan ang pag-usbong ng mga sakit sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.


Nanawagan ang pamunuan ng barangay sa lahat ng residente na patuloy na pangalagaan ang paligid at aktibong makiisa sa mga programang pangkalinisan upang mas lalo pang mapaganda at mapanatiling ligtas ang buong pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page