top of page
bg tab.png

Barangay Baybay, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Baybay Elementary School


Bilang paghahanda sa isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa mga mag-aaral, isinagawa ang Weekly Clean-Up Drive sa Baybay Elementary School ngayong ika-31 ng Enero, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyal ng Barangay Baybay, sa pakikipagtulungan ng mga guro at mga magulang (PTA). Layunin ng paglilinis na ito na siguraduhing walang pamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit at mapanatili ang kaayusan sa loob at labas ng bakuran ng paaralan.


Ayon sa pamunuan ng barangay, prayoridad nila ang kalinisan ng mga paaralan upang maging komportable ang pag-aaral ng mga kabataang Baybayeño. Nagpasalamat din ang paaralan sa walang sawang suporta ng barangay sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanilang pasilidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page