top of page
bg tab.png

Barangay Banaban, Tuloy-tuloy ang Aksyon para sa Kalinisan


Hindi tumitigil ang pamunuan at mga residente ng Barangay Banaban sa kanilang misyon para sa isang masigla at malinis na komunidad matapos ang isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-21 ng Pebrero, 2026.


Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay, muling nilibot ang mga kalsada at nilinis ang mga daluyan ng tubig upang masigurong walang pinamumugaran ng mga insekto at sakit. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng lingguhang pagsisikap ng barangay na mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran sa ilalim ng programang pang-kalinisan ng lokal na pamahalaan.


Muling nagpaalala ang barangay sa lahat ng mga residente na ang kalinisan ay nagsisimula sa tapat ng bawat tahanan at nagpasalamat sa lahat ng mga volunteers na laging handang tumulong.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page