Barangay Banaban, Tinapos ang Buwan ng Abril sa Pamamagitan ng Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Apr 25
- 1 min read

Bilang pagtatapos ng kanilang mga aktibidad para sa buwan ng Abril, matagumpay na idinaos ng pamunuan ng Barangay Banaban ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Abril 25, 2026.
Ang regular na gawaing ito ay patunay ng hindi matatawarang dedikasyon ng barangay na mapanatiling maayos, malinis, at ligtas ang kapaligiran para sa lahat.
Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay, kasama ang mga kawani at mga residente, masusing nilinis ang mga pangunahing kalsada at mga kanal.
Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan sa lahat ng mga kabarangay na walang sawang sumusuporta sa lingguhang gawaing ito.









Comments