top of page
bg tab.png

Barangay Banaban, Pinarangalan ng BIMS Award sa Bidang Barangay ng Bulacan 2026

Sep 19
1 min read

Nakamit ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan ang natatanging pagkilala matapos tanggapin ang Barangay Information Management System (BIMS) Award sa ginanap na Bidang Barangay ng Bulacan 2026 nitong Setyembre 18, 2026, sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos.


Personal na tinanggap ni Punong Barangay Fernando P. Dela Torre ang

parangal mula sa mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG Bulacan).



Ang BIMS Award ay ibinibigay sa mga barangay na nagpamalas ng kahusayan sa modernisasyon, maayos na pagtatago ng datos, at mabilis na paghahatid ng pampublikong impormasyon at serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang natanggap na pagkilala ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng Banaban tungo sa mas moderno, maayos, at maaasahang pamamahala para sa bawat mamamayan ng barangay. Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang barangay sa DILG Bulacan at sa lahat ng naging bahagi ng naturang tagumpay.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page