Barangay Banaban, Nagkaisa sa Isinagawang Weekly Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- Jan 31
- 1 min read

Matagumpay na isinagawa ng pamunuan ng Barangay Banaban ang kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong ika-31 ng Enero, 2026.
Sa pangunguna ng mga opisyal ng barangay at pakikipagtulungan ng mga residente, nilinis ang mga pangunahing kalsada, kanal, at mga pampublikong lugar sa paligid. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng barangay upang mapanatili ang kalinisan, maiwasan ang mga sakit gaya ng Dengue, at masiguro ang kaayusan ng kapaligiran para sa lahat ng mga Banabaneño.
Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga nakiisa at nanawagan sa bawat pamilya na panatilihin ang wastong pagtatapon ng basura sa kani-kanilang mga tapat ng bahay.









Comments