Banaban Clean-Up Drive: Tuloy ang Bayanihan!
- Angat, Bulacan

- Feb 7
- 1 min read

Tuloy-tuloy ang kampanya para sa kalinisan ng Barangay Banaban matapos isagawa ang kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-7 ng Pebrero, 2026.
Sa pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay, mga barangay tanod, at mga volunteer, nilinis ang mga kalsada at baradong kanal sa iba't ibang purok. Layunin ng aktibidad na ito na mapanatiling ligtas ang komunidad mula sa mga sakit at masiguro ang preskong kapaligiran para sa lahat ng mga residente.
Nagpasalamat ang pamunuan ng barangay sa lahat ng nakiisa at muling ipinaalala ang kahalagahan ng disiplina sa pagtatapon ng basura upang mapanatili ang ganda ng Banaban.









Comments