top of page
bg tab.png

Bagong Pamunuan ng Solo Parents sa Barangay Pulong Yantok, Pormal nang Inihalal


Opisyal nang may mga bagong lider na magsisilbing boses at katuwang ng mga solo parents sa Barangay Pulong Yantok matapos ang isinagawang eleksyon kamakailan.


Hinirang bilang Pangulo si Teofista Clemente Catahan, na siyang mangunguna sa pagbabalangkas ng mga programa at benepisyo para sa kapakanan ng mga solo parents sa komunidad. Makakasama niya sa paglilingkod sina Robert Joaquin bilang Vice President, Alma R. Narciso bilang Secretary, Emiliana B. Mesina bilang Auditor, at Chito M. Guarra bilang P.R.O.


Ang pagbubuo ng bagong set ng mga opisyal ay bahagi ng adbokasiya ng Sangguniang Barangay na masiguro na ang bawat sektor, lalo na ang mga solo parents, ay may sapat na representasyon at akses sa mga tulong mula sa lokal at pambansang pamahalaan. Inaasahan ang mas aktibong ugnayan ng bagong pamunuan sa mga susunod na proyektong pang-serbisyo sa barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page