top of page
bg tab.png

Bagong Pamunuan ng HPN-DM Club, Nanumpa kay Mayor Jowar

Updated: Apr 2, 2023


ree

Pinangunahan ng ating Punong Bayan ang Oathtaking Ceremony ng bagong pamunuan ng Hypertension Diabetes Mellitus (HPN-DM) Club.

ree

Kasamang sumuporta sina Vice Mayor Arvin L. Agustin, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, Kon. Wowie Santiago, Kon. William Vergel De Dios, MHO Guillerma A. Bartolome at mga miyembro ng samahan. Ang panunumpa ay isinagawa sa Municipal Evacuation Center, San Roque, Angat, Bulacan.


ree

Pangkaraniwang sakit ng mga Pilipino ang

altapresyon at diabetes. Kaya't pinahahalagahan ng ating pamahalaan ang mga ganitong samahan upang masiguro na ang lahat ng may karamdamang ito ay palagiang masubaybayan ang kalusugan at para maagapan ang ibang posibleng kumplikasyon.


Isinusulong din ng samahan ang pagpapalawak ng kaalaman ukol sa ganitong karamdaman at matutukan ang pagpapagaan sa sakit na ito sa pamamamagitan ng ating pamahalaan na siyang maglalaan ng gamot, laboratoryo at iba pang pangangailangan ng mga miyembro nito.


Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page