Angat RHU, Naglabas ng Gabay sa Paggamit ng Ambulansya at Patient Transport Vehicle
- Angat, Bulacan

- Jan 5
- 1 min read

Upang masiguro ang maayos at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangang medikal, inilabas ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang mga opisyal na patakaran at saklaw sa paggamit ng mga Ambulansya at Patient Transport Vehicles (PTV) ng munisipyo.
Layunin ng pabatid na ito na linawin sa mga mamamayan ang pagkakaiba ng gamit ng dalawang sasakyan. Ang ambulansya ay nakalaan para sa mga emergency cases na nangangailangan ng agarang atensyong medikal habang ang PTV naman ay para sa mga pasyenteng kailangang ilipat ng pasilidad ngunit nasa stable na kondisyon. Binigyang-diin ng RHU na ang pagsunod sa mga kasunduan at tamang proseso ng request ay mahalaga upang hindi maantala ang serbisyo para sa mga nangangailangan.
Pinapaalalahanan ang lahat na ang mga sasakyang ito ay pag-aari ng bayan at dapat gamitin nang may kaukulang pag-iingat at disiplina alinsunod sa mga itinakdang polisiya ng lokal na pamahalaan.









Comments