top of page
bg tab.png

Angat PNP, Naghatid ng Tulong at Pag-asa sa mga PUPC sa pamamagitan ng ‘Pulis May Malasakit’


Sa gitna ng pagpapatupad ng batas, hindi kinalimutan ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang aspeto ng pagpapakatao at malasakit. Nagsagawa ng pamamahagi ng food supplies ang mga tauhan ng himpilan para sa mga Persons Under Police Custody (PUPCs) na nasa Angat Custodial Facility.


Ang nasabing aktibidad ay personal na pinangunahan ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge. Layunin ng inisyatibong ito na isulong ang makataong pagtrato sa mga indibidwal na nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya at tiyakin na ang kanilang moral at kapakanan ay napapangalagaan habang hinihintay ang proseso ng kanilang mga kaso.


Ayon kay PCPT Viola, ang programang “Pulis May Malasakit” ay bahagi ng adhikain ng Bulacan PPO na ipakita ang mas malawak na gampanin ng kapulisan—hindi lamang bilang tagapagpatupad ng batas, kundi bilang mga lingkod-bayan na may puso at malasakit sa bawat sektor ng lipunan, kabilang ang mga persons deprived of liberty.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page