Angat PNP, Maghihigpit Laban sa mga ‘Modified Mufflers’ sa Bayan
- Angat, Bulacan

- Jan 15
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, muling nagbabala ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa lahat ng motorista hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng mga modified o altered na tambutso.
Ang hakbang na ito ay tugon sa lumalalang reklamo ng noise pollution na nagmumula sa mga sasakyang may maiingay na tambutso, partikular na sa mga mataong lugar at tuwing gabi. Ayon sa batas, ang anumang pagbabago sa orihinal na exhaust system na nagreresulta sa labis at nakakaabalang ingay—gaya ng mga open pipes, straight pipes, at cut-outs—ay itinuturing na ilegal.
Ang mga mahuhuling lalabag ay papatawan ng kaukulang multa at kumpiskasyon ng kanilang mga ilegal na tambutso. Binigyang-diin ng Angat MPS na ang pagpapanatili ng katahimikan at pagsunod sa mga environmental components ng LTO ay mahalaga para sa kaayusan at kaligtasan ng buong komunidad.









Comments