top of page
bg tab.png

Angat MPS, Pinaigting ang Pakikipag-ugnayan sa mga Paaralan sa Pamamagitan ng School Visitations


Upang mas mapalapit ang kapulisan sa sektor ng kabataan, matagumpay na nagsagawa ng school visitations ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa dalawang pangunahing institusyong pang-edukasyon sa bayan nitong ika-6 ng Enero, 2026.


Sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, pinangunahan ni PMSg Rodrigo Bryan Torres ang pagbisita sa Franklin D. Roosevelt Memorial School sa Barangay Sto. Cristo at sa Colegio De Sta. Monica de Angat sa Poblacion.


Layunin ng aktibidad na ito na patatagin ang ugnayan ng pulisya at ng komunidad, partikular na sa mga estudyante at administrador ng paaralan. Sa pamamagitan ng police visibility, tinalakay ang kahalagahan ng disiplina, kaligtasan, at ang gampanin ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan. Mainit ang naging pagtanggap ng mga opisyal ng paaralan sa nasabing inisyatibo, na naglalayong gawing mas ligtas at payapa ang kapaligiran para sa mga mag-aaral na Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page