Angat MPS, Nagsagawa ng Moral Recovery Program para sa mga PUPC katuwang ang El Shaddai
- Angat, Bulacan

- Jan 9
- 1 min read

Sa layuning mas mapatibay ang moral at espirituwal na pundasyon ng mga nasa ilalim ng kustodiya ng batas, matagumpay na idinaos ang isang Moral Recovery Program sa Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong ika-9 ng Enero, 2026.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, at sa pangunguna ni PCPT Lydio Venigas, Duty OD, tinulungan ng mga tauhan ng Angat MPS ang grupong El Shaddai sa pangunguna ni Brother Arman Esteban para sa nasabing aktibidad. Ang programa ay nakatuon sa mga Persons Under Police Custody (PUPC) na kasalukuyang nasa Angat Custodial Facility sa Barangay San Roque.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) na itaguyod ang kagandahang-asal at etika, hindi lamang sa hanay ng mga kawani kundi pati na rin sa mga indibidwal na nagnanais magbagong-buhay. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, layon ng Angat MPS na magbigay ng pag-asa at positibong gabay sa mga PUPC para sa kanilang muling pagharap sa lipunan.









Comments