top of page
bg tab.png

Angat MPS, Naglabas ng Paalala para sa Crime Prevention at Kaligtasan Laban sa Karahasan


Bilang bahagi ng kampanya para sa pagpapanatili ng kaayusan, nagpalabas ng mahahalagang Crime Prevention Tips ang Angat Municipal Police Station (MPS) upang maiwasan ang mga insidente ng malubhang krimen gaya ng robbery at murder sa bayan.


Binigyang-diin ng kapulisan na ang pakikipagtulungan ng publiko sa pamamagitan ng mabilis na pag-uulat ay kritikal sa pagpigil sa mga masasamang loob. Ayon sa Angat MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, ang bawat segundo ay mahalaga sa pagresponde sa mga emergency.


Pinapayuhan ang mga mamamayan na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga awtoridad. Inilabas din ng himpilan ang kanilang official hotline upang masiguro na ang bawat Angateño ay may direktang ugnayan sa pulisya sa oras ng panganib.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page