top of page
bg tab.png

Angat LGU, Namahagi ng Educational Assistance sa 638 Kabataan


Isang malaking pagdiriwang at pamamahagi ng tulong pinansyal ang isinagawa ng Municipal Government of Angat sa Angat Municipal Gymnasium bilang patuloy na pagpapahalaga sa sektor ng kabataan at edukasyon.


Ang aktibidad ay pinagsamang Educational Assistance Payout at General Orientation & Pre-Holiday Treat para sa mga kabataang Angateño.


Sa kabuuan, 638 mag-aaral ang napagkalooban ng tulong pinansyal bilang suporta sa kanilang pag-aaral, mula sa Junior High School (156), Senior High School (258), at College Level (224).


Ang matagumpay na payout ay resulta ng pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan kabilang ang Local Youth Development Council (LYDC), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga kawani ng Municipal Treasurer’s Office at Volunteers mula sa Jowable Youth. Sila ang nagsiguro ng maayos, ligtas, at organisadong pagsasagawa ng payout.


Binigyang-diin ng LGU na sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kaalaman at kamalayan, hinuhubog ang kabataang Angateño na may paninindigan, panawagan, at pakialam.


Sa pagtatapos ng mensahe ng Pamahalaang Bayan pinahayag nila na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bukas—sila ang tinig ng kasalukuyan at katuwang sa pagbuo ng isang mas makatarungan, maunlad, at nagkakaisang Bayan ng Angat.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page