top of page
bg tab.png

16 na Barangay Inikot: Joint Inspection Team, Sinuri ang mga Private Resort at Water Refilling Stations sa Angat


Bilang paghahanda sa panahon ng tag-init, tuloy-tuloy na umikot ang Joint Inspection and Validation Team sa labing-anim (16) na barangay sa buong bayan upang tiyakin ang kaligtasan at legalidad ng mga negosyong dinarayo tuwing bakasyon.


Naging pangunahing pokus ng malawakang operasyon ang pagsusuri sa mga private resorts at water refilling stations. Layunin nitong masiguro na ang mga establisimyentong ito ay ligtas, malinis, at striktong nakatutupad sa mga alituntunin at batas na pinaiiral sa pagpapatakbo ng negosyo.



Ayon sa pamunuan, mahalaga ang hakbang na ito upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayang Angateño, maging ng mga turistang dumadayo sa bayan. Bukod dito, isinusulong din ng team ang adbokasya para sa patas, maayos, at legal na pagnenegosyo sa komunidad.


Ang matagumpay na operasyon ay pinagtulungan ng iba't ibang ahensya at tanggapan ng Pamahalaang Bayan, kabilang ang:

  • Business Permit and Licensing Office (BPLO Angat)

  • Municipal Planning & Development Office (MPDO)

  • Municipal Engineering Office (MEO)

  • Sanitary Office / Rural Health Unit (RHU)

  • Municipal Tourism Office

  • Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat)

  • Negosyo Center Bulacan: Angat - LGU

  • Bureau of Fire Protection (Bumbero Angat)


Nagpaalala ang Joint Inspection Team sa publiko at mga negosyante na kung may mga katanungan o nais iulat, maaari silang magsadya sa opisyal na tanggapan ng BPLO, tumawag, o magpadala ng mensahe sa kanilang opisyal na Facebook Page.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page