15 Taong Pagtatago sa Batas, Nagtapos: Suspek sa Murder, Nalambat ng PNP Angat
- Angat, Bulacan

- Jan 15
- 1 min read
Pinatunayan ng Angat Municipal Police Station (MPS) na walang krimeng nalilimutan at walang nakatatakas sa batas matapos nilang maaresto ang isang suspek sa kasong Murder na labinlimang (15) taon nang nagtatago.
Sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, ikinasasa ang operasyon nitong ika-14 ng Enero, 2026 (Miyerkules) laban sa suspek na kinilala sa alyas na "𝚁***𝚢". Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 83, Regional Trial Court, City of Malolos, Bulacan.
Ayon sa ulat, ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matiyagang intelligence gathering at patuloy na pagmamanman ng mga operatiba ng Angat PNP. Sa kabila ng mahabang panahon na lumipas mula nang mangyari ang krimen, hindi tumigil ang kapulisan sa pagsubaybay sa kinaroroonan ng suspek upang matiyak na makakamit ang katarungan.
"Ito ay babala na gaano man katagal magtago, ang batas ay laging mangingibabaw," pahayag ng himpilan. Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Angat MPS at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang legal na proseso.









Comments