top of page
bg tab.png

Pulisya at Hukbong Sandatahan, Nagsanib-Pwersa para sa Kabataang Angateño; Anti-Drug at Anti-Terrorism Awareness, Isinagawa


Bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang ilayo ang kabataan sa masasamang elemento, matagumpay na naisagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) at 70th Infantry Battalion (70IB) ng Philippine Army ang isang Joint Lecture ngayong ika-6 ng Marso, 2026.


Ang aktibidad ay ginanap sa President Diosdado P. Macapagal Memorial School sa Brgy. Sta. Cruz, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa Grade 11 Senior High School at kanilang mga guro, sa pangunguna ni Dr. Virginia San Gabriel, Principal ng paaralan.


Pinangunahan ni PMSg Jenna M. Galion, Asst. MCAD PNCO, sa ilalim ng liderato ni PCpt. Jayson M. Viola, Officer-in-Charge (OIC), kasama si 2Lt. John Lloyd Lopez (QMS) mula sa Philippine Army, ang pagtalakay sa mga mahahalagang paksa gaya ng Anti-Illegal Drugs Awareness, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), at Anti-Terrorism Awareness.


Layunin ng nasabing programa na bigyan ng sapat na kaalaman at kapangyarihan ang bagong henerasyon upang maging katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga at insurhensya. Ang inisyatibong ito ay direktang sumusuporta sa Philippine Anti-Drugs Strategy (PADS) at sa mithiin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na wakasan ang lokal na armadong pakikibaka sa bansa.


Sa pamamagitan ng edukasyon at paggabay, tinitiyak ng Angat PNP at Phil. Army na ang mga kabataang Angateño ay mananatiling mulat, alerto, at kaisa sa pagbuo ng isang mapayapa at progresibong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page