Buo ang paniniwala ng inyong lingkod na nasa kamay ng kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya naman napakahalagang suportahan ng pamahalaan ang kanilang sektor upang mahubog sila bilang mabubuti at mahuhusay na mamamayan na magmamalasakit at magtataguyod ng kapakanan ng ating bayan.
Sa kasalukuyan ay sinimulan natin ang institusyonalisasyon ng mga programang pang-kabataan gaya ng pagpapalakas ng kanilang mga organisasyon laluna ang mga kabilang sa civil society organizations gayundin ng suporta para sa edukasyon.
Kinakailangang mapukaw ang kanilang interes sa mga serbisyong pampamayanan upang makita nila at simulang isabuhay ang kanilang magiging papel sa hinaharap bilang mga susunod na lider ng pamahalaan, mga tagapagtaguyod ng ekonomiya, tagapanday ng malaya, payapa at maunlad na lipunan. Sa ganitong paraan nila mapapatunayan na ang pag-asa ng susunod na henerasyon ay nakasalalay sa kanilang mga kamay.
Comments